3 years!
Nakakadiri yung mga post ko. SYET!!! HAHAHAHAHA
SOBRANG NAMISS KO TABULAS. At naisipan ko lang magpost. nyahahaha. Kahit na blogger na talaga ako.
Bakit naging kamukha ko na si Biboy. Yung bocaler ng Join The Club. Nakakatawa itsura nun. Pero ayos lang. Nyahahha. Parehas na kaming rakstar ni KR.
Bakit may kasabihang "walang sikretong hindi nabubunyag"? Isa tong kalokohan. Kung ang isang tao ay may sikretong malupit, malamang hindi nya ito sasabihin kahit kanino. Hindi niya ipahahalata sa iba na may tinatago siya. Hindi siya magbibigay ng clue sa iba na meron syang sikret. O kung ganyan lahat ng tao, pano ma-aapply yang kasabihan na yan?
KAYA LANG.. KAYA LANG.. Kaya lang hindi ganyan ang tao, well base sa aking obserbasyon at ito ay general speaking. Kahit gaano pa kalupit ang isang sikreto nagagawa parin itong sabihin sa ibang tao. Eventually malalaman at malalaman ito ng buong mundo, kasi may napagsabihan na. At bakit ang napagsabihan LANG ang sinisisi? Hindi ba nila naiisip na may kasalanan din sila dito. In the first place hindi malalaman ng madlang tao kung walang pinagsabihan kahit isa. Once na may napagsabihan ka na, hindi mo na mapipigilan ang pagkalat nyan. Para yang virus. At kapag nakatapos na ng isang lap ang sikreto at nakabalik na sa starting line, manggagalaite ang taong nagsabi dahil kumalat ang pinagkaiingat ingatang sikreto nyan.
E MAY KASALANAN DIN NAMAN ANG TAONG NAGSABI. HINDI MO NAMAN MAAALIS SA PINAGKAKATIWALAAN MO NA MAY PINAGKAKATIWALAAN DIN SYANG IBA AT DI RIN NAMAN ALAM NG TAONG PINAGKATIWALAAN MO NA MAY PINAGKAKATIWALAANG IBA YUNG PINAGKAKATIWALAAN NYA.
Kaya kahit anong mangyari hindi lang dapat ang napagsabihan dapat ang sinisisi. Isipin mong kung napigilan mo ang kati ng dila mo, walang makakaalam ng sikreto mo kung hindi ikaw. Atsaka ikaw ang responsibilidad sa dyan!
Naalala ko tuloy yung sabi ni Bes.

Mga kaklasmeyt ko. Courtesy of MM. Kahit walang makakabsa nito na klasmeyt ko, ayos lang. post ko parin. *Bleh.*
Abdon, Acorda, Asuncion, De Leon, Fernandez, Gochangco, Hassig, Katigbak, Lorenzo, Losantas, Narciso, Sanchez, Tayamen, Zapatos
Balasabas, Buenviaje, Del Moral, Eustaquio, Gonzales, Manapat, Misajon, Solon, Vitor
Ang daya, di ko na klasmeyt si yummy papa. WAAAAAAHHHH!!!! Sayang naman, since grade 1 pa naman klasmeyt ko sya. Ngayon ang nasa record ko nalang ay si Narciso at si Vitor. Andaya!!! Tapos si Nario at si Pagiuo magkaklasmeyt. TANG INANG ANG DAYA...
Kaninang umaga naghahalungkat ako sa aparador namin. HAHA. Kahit hindi pa ako naliligo naghanap hanap ako sa aking mga damit, nagmimixed and match ako tapos i-momodel ko! Pampatawid bugnot lang! HAHAHA.
May nakita akong top na color black, sa nanay ko ata yun, pero hindi ko pa nakikitang suot nya. Sukat naman ako. Tamang tama ang fit. Pwede pwede. Pero pagsinuot ko yun ang boring ng dating ko, para akong pupunta sa lamay. Kasi plain sya, as in PLAIN. Ang sleeves abot hanggang ibabaw ng elbows ko, tapos, umm, ano ba tawag sa t-shirt na hindi V Neck? Basta ganun. Kaya nag-isip ako mabuti, gugupitin ko ba to' o hindi? Baka kasi magkamali nanaman ako, tulad nung isa kong t-shirt, ginupit ko ang pangit ng kinalabasan kaya ayun sya, nagtratrabaho dito sa bahay namin bilang basahan.
Ayan, buo na ang loob ko, ginupit ko na! HAHAHA. ginawa kong mala off shoulder ang dating. YEAH!!! Nung sinuot ko ulit, may improvement na, pero.. pero.. ang dull ng dating. Nag-isip ako ulit. Pumunta ako sa kwarto ko at nakita ko yung mga butones na nakasabit dun, yung sa project namin dati sa Handicrafts, kinuha ko. Ayan. Ayan ang kinalabasan!
Gumamit ako ng yarn para pangtahi dun sa mga butones. Bakit kamo yarn. Kasi naaalala ko nung bata ako lagi akong natatanggalan ng butones at kahit ilang beses tahiin ng nanay ko gamit yung napakanipis na sinulid natatanggal parin. Malantod kasi ako. Naisipan ko, yarn nalang para matibay. Ayos, may bago nakong damit. Solve pa ang pagiging bored ko.

Di ako makakuha ng magandang shot na kita yung buong outfit, kaya mukha ko nalang ipapakita ko. Kita naman na off shoulder sya e. HAHAHAHA.