Bakit may kasabihang "walang sikretong hindi nabubunyag"? Isa tong kalokohan. Kung ang isang tao ay may sikretong malupit, malamang hindi nya ito sasabihin kahit kanino. Hindi niya ipahahalata sa iba na may tinatago siya. Hindi siya magbibigay ng clue sa iba na meron syang sikret. O kung ganyan lahat ng tao, pano ma-aapply yang kasabihan na yan?

KAYA LANG.. KAYA LANG.. Kaya lang hindi ganyan ang tao, well base sa aking obserbasyon at ito ay general speaking. Kahit gaano pa kalupit ang isang sikreto nagagawa parin itong sabihin sa ibang tao. Eventually malalaman at malalaman ito ng buong mundo, kasi may napagsabihan na. At bakit ang napagsabihan LANG ang sinisisi? Hindi ba nila naiisip na may kasalanan din sila dito. In the first place hindi malalaman ng madlang tao kung walang pinagsabihan kahit isa. Once na may napagsabihan ka na, hindi mo na mapipigilan ang pagkalat nyan. Para yang virus. At kapag nakatapos na ng isang lap ang sikreto at nakabalik na sa starting line, manggagalaite ang taong nagsabi dahil kumalat ang pinagkaiingat ingatang sikreto nyan.

E MAY KASALANAN DIN NAMAN ANG TAONG NAGSABI. HINDI MO NAMAN MAAALIS SA PINAGKAKATIWALAAN MO NA MAY PINAGKAKATIWALAAN DIN SYANG IBA AT DI RIN NAMAN ALAM NG TAONG PINAGKATIWALAAN MO NA MAY PINAGKAKATIWALAANG IBA YUNG PINAGKAKATIWALAAN NYA.

Kaya kahit anong mangyari hindi lang dapat ang napagsabihan dapat ang sinisisi. Isipin mong kung napigilan mo ang kati ng dila mo, walang makakaalam ng sikreto mo kung hindi ikaw. Atsaka ikaw ang responsibilidad sa dyan!


Naalala ko tuloy yung sabi ni Bes.

Posted by iggy_koprintoh on June 10, 2005 at 10:45 PM | 7 heard moi
iggy_koprintoh requires comments from Tabulas users only. Please login or register an account.
Comment posted on June 13th, 2005 at 12:58 AM
ewan ko lang. kase yan ang matagal ng kasabihan e. napag-isip ako ah.
Comment posted on June 13th, 2005 at 11:34 AM
hmm... pero kung may talent talaga ang mokong sa pagtago, never syang mabubuking! hahaha.
Comment posted on June 10th, 2005 at 10:56 PM
may mga sikretong malufet na nalalaman pa rin kahit di sinabi. ;)
Comment posted on June 13th, 2005 at 12:58 AM
probably sa mga kinikilos n tao kaya nalalaman. nakoh ewan ko. haha :bomb:
Comment posted on June 13th, 2005 at 10:44 AM
yes. may ibang tao na obvious kumilos kaya nabubuking ang sikreto. hehehe.
Comment posted on June 13th, 2005 at 11:33 AM
hahhaha. ayun pala. iba na yan. wala syang talent sa pagtatago at paglilihim. hehehe. ;)
Comment posted on June 11th, 2005 at 12:55 PM
hmmmmmm..